Kahit bundok man ang unang pagsubok
Hinarap, inakyat, nagwagi
At pagsapit mo sa patag nakita
Ang aninong halos 'di mo magapi
At sa sarili ang akala mo ay kaya
Taglay mo't gabay ang salita
Subalit sa pasanin kay bigat susuko ka
Sinaulo mong talata nasan na
Kung sagot ay 'di sapat nar'yan si Jesus
Sa dalangin Siya'ng sagot at higit pa
Sa Kanya puso ligtas at papayapa
Kung sagot ay 'di dapat nar'yan Siya
'Wag nang magtanong pa bakit nga ba
Landas ng ating Dios ay alamin
Papanatag ang damdamin, tanaw mong Kanyang layunin
May luha man tagumpay ay kamtin
Kung sagot ay 'di sapat nar'yan si Jesus
Sa dalangin Siya'ng sagot at higit pa
Sa Kanya puso ligtas at papayapa
Kung sagot ay 'di dapat nar'yan Siya
Kung sagot ay 'di sapat nar'yan si Jesus
Sa dalangin Siya'ng sagot at higit pa
Sa Kanya puso ligtas at papayapa
Kung sagot ay 'di dapat nar'yan Siya
Kung sagot ay 'di dapat nar'yan Siya