[Jeazell]
Kayo po na nakaupo
subukan niyo namang tumayo
at baka matanaw at baka matanaw ninyo
ang tunay na kalagayan ko
[Gloc-9]
Ganito kasi yan eh
Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng
malaking bahay at malawak na bakuran
mataas na pader pinapaligiran
at nakapilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
wala namang kasal pero marami ang nakabarong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
at ang kanin ay 'sing puti ng gatas na nasa kahon
at kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
ang tao na nagmamayari ng isang upuan
at pag may pagkakataon ay pinagaagawan
kaya naman hindi niya pinakakawalan
kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
[Jeazelle]
Kayo po na nakaupo
subukan niyo namang tumayo
at baka matanaw at baka matanaw ninyo
ang tunay na kalagayan ko
[Gloc-9]
Mawalang galang na po
sa taong nakaupo
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay hindi puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
na di kayang bilihin upang ilagay sa inumin
pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
gamit ang panggatong na inanod lamang sa estero
na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanang isang kaldero
na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
pero kulang na kulang parin
ulam na tuyo't asin
ang singkwenta pesos sa maghapon'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
o mataas lang ang bakod
o nagbubulagbulagan lamang po kayo
dahil sa dami ng pera niyo
walang doktor ang makakapagpalinaw ng mata niyo kaya
[Jeazell]
Wag kang masyadong halata
*bato bato sa langit
ang matamaa'y wag magalit*
Oh bato bato bato sa langit
ang mataan ay huwag masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Wag kang masyadong halata