Di mo na inisip ang sarili
Di mo na inisip ang kalagayan
Pinabayaan mo ang mga araw
na lumipas nang walang nangyayari.
Ibinuhos mo ang iyong mga oras
Sa walang kwentang bagay
Nalimutan mo ang tungkulin
Sa iyong mahal na sarili
Malayo na sana ang iyong narating
Labis na nahulog ang damdamin
Sa bisyo'’y ika'y nahumaling
Kay tagal-tagal mo ding nahimbing
Oras na para ika'y magising
Ang landas mo’y ituwid mo na
Bago ito maging huli
Limutin mo ang mga bagay
na sa iyo’'y di makabubuti
Magsikap ka't makakamit ang tagumpay