Mayro’ng katiyakang ‘di ka pa sawi
Buháy ka pa sa akin, ikaw man ay kubli.
Kahit tahimik o walang imik
Tinig mo’y papakinggan ko lagi.
Pag-ibig ko’y tanging ikaw,
Diyan sa ‘yong dako, ako’y ‘yong tinatanaw.
Nasaan ka man, ako ay ‘yong akayin diyan.
Ngiti mo’y nais kong mapagmasdan.
Basta’t malaman kong ika’y nariyan,
Hindi malayo, nasaan ka man.
Sa ‘king panaginip, tayo’y nagtabi
Sa t’wing ako’y matulog nang napakahimbing.
Para kang nandito, yakap-yakap ka
Sa puso ko’y ‘di ka mawawala.
Pag-ibig ko’y tanging ikaw,
Ako lang ang ‘yong tanaw.
Baka anghel ang magsabi
Na pag-ibig ay ‘di mapapawi.
Nasaan ka man, ako ay ‘yong akayin diyan.
Ngiti mo’y nais kong mapagmasdan.
Basta’t malaman kong ika’y nariyan,
Hindi malayo, nasaan ka man.
Nariyan ka nga,
Hindi malayo, nasaan ka man.