Malapit na maghatinggabi, at ang kasamaan ay nakalingid sa dilim
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, may nakita ka at muntik ka nang atakihin sa puso
Sinubukan mong sumigaw pero binawi ng takot ang iyong boses
Ika'y di makagalaw sa titig ng takot sa iyong mata
Ika'y naparalisa
'Hil ito ay isang gabi ng lagim.
At walang liligtas sa iyo mula sa aatakeng halimaw
Alam mo na ito'y isang gabi ng lagim.
Nakikipagsapalaran ka para sa iyong buhay sa isang mamamatay, gabi ng lagi
Narinig mo sumarado ang pintuan at wala na palang pweden pagtakbuan
Naramdam mo ang malamig na kamay, napaisip ka kung makikita mo pa ang araw
Sinarado mo ang iyong mata, at umasang na ito'y imahinasyon lamang
Ngunit narinig mo ang halimaw sa likod mo unti unting gumagapang sa likod
Ubos ka na ng oras
'Hil ito ay isang gabi ng lagim.
Wala kang pangalawang tsansa laban sa isang may apatnapung mata,
Oh Gabi, Gabi ng Lagim
Nakikipagsapalaran ka para sa iyong buhay sa loob ng isang mamamatay, ngayong gabi
Ang mga halimaw ng gabi, nakabalatkayo, ang patay ay nagsimulang lumakad
Hindi ka makakatakas sa mga gutom na halimaw ngayon
(Nakabukas ang panga)
Katapusan na ng buhay mo
Kukunin ka nila, May mga demonyo sa bawat sulok
Sasapihin ka nila kung hindi mo babaguhin ang number mo sa iyong dial.
Oras na para sa iyo at ako magyakapang ng malapit, yeah
Sa buong gabi, ililigtas kita mula sa mga kasindakan sa sine
Panoorin natin
Ito ay ang gabi ng lagim.
'Hil mas kaya kitang takutin kaysa sa kayang gawin ng anumang multo
Oh Gabi, Gabi ng Lagim
Kaya kakapitin kita at ibabahagi ko ang isang mamatay, malagim, ow!
(Tatakutin kita ngayong gabi)
Bumalot ang kadiliman
Malapit na ang oras ng hattinggabi
Dumating ang mga halimaw gutom sa dugo
Tatakutin ang buong barangay
Tatakutin kita ngayong gabi, o baby
Tatakutin kita ngayong gabi, o mahal
Gabi ng Lagim, baby, ooh!
Ang pinakamabahong amoy
Ang lumbay ng apatnapung libong taon
Ang mga multo mula sa bawat libingan
Ay maghahatid ng lagim at ika'y tatapusin
At kahit ika'y lumaban para ma buhay
Di titigil nguminig ang 'yong katawan
Dahil walang mortal na makakalaban
Sa kasamaan ng lagim