pusong lumilipad
bituing kumikislap
langit ay maliwanag
mula nung nakita ka
bulaklak nakangiti
para sa ating tuwa
ngiting para sa mundo
at sa ating dalawa
ang mundo'y tuwa sa atin
nakangiting malambing
tungkol sa isang kasaysayan
kuwentong walang hanggang
irog, awit ko ito
ang awit ko'y harana ko sa iyo
tahimik ang ating mundo
nandito ka sa mundong ito
wala akong hangad kanino pa
kung di ka magmahal, bale wala
irog, awit ko ito
ang awit ko'y aking harana sa iyo