Ang aking pangarap sa buhay
Marating ang talang maringal
Kahit na ako'y mahirapan
Magsisikap magtagumpay.
Ang dusa ay pagtitiisan
Lalaban sa dahas ng buhay
Lahat ng mga kamalian
Iwawasto't iiwasan
Pangarap ko'y aking masundan
Ang talang malayo sa kalangitan
At paglilingkuran itong sambayanan
Ipagtatangol and karangalan at katarungan
Kung buhay man ang kailangan
Aking iaalay
Puso ko ay matitiwasay
Hanggang Libingan.
Liligaya ang ating bayan
Kung lahat ay magtutulungan
Giting ang kinakailangan
Upang tayo'y magtagumpay
At marating ang talang malayo.