nagniningning pa ang araw
may alon pa sa pampang
bakit pa? tapos na ang mundo
hindi mo na ako mahal
umaawit pa ang mga ibon
kumikislap pa ang bituin
bakit pa? tapos na ang mundo
wala na ang pagibig mo
nagtataka ako bawat umaga
ngayo'y katulad pa ng dati
di ko malaman, kung anong dahilan
ang buhay ay tuloy pa rin
tumitibok pa'ng aking puso
umaagos pa'ng luha ko
bakit pa? tapos na ang mundo
mula nung nagpaalam ka