Ang natutuwang baliw, yaman ay pinagyabang
Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay salapi ang hinihiga'n
Ngunit ang gintong baul, panay kasalanan ang laman
Sinasambit ng baliw, awit na walang laman
Ulo mo'y maiiling, tatawagin mong hangal
May isang hindi baliw, iba ang awit na alam
Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman
Sino'ng dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sino'ng mapalad? Sino'ng tumatawag ng habag?
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay 'di lubos
Oh, husto ang isip, ngunit sa pag-ibig ay kapos
Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit
Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit
May binatang ang gayak, panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad, kulay ahas ang balat
Sino'ng dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sino'ng mapalad? Sino'ng tumatawag ng habag?
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay 'di lubos
Oh, husto ang isip ngunit sa pag-ibig ay kapos
Sino'ng dakila? Sino ang baliw?
Dakila kang baliw
Sa kanyang kilos at galaw, tayo ay naaaliw
Sa ating mga mata, isa lamang siyang baliw
Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal
Sino'ng dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sino'ng mapalad? Sino'ng tumatawag ng habag?
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay 'di lubos
Oh, husto ang isip
Kaya't sino, sino?
Sino?