Kung aking mamasdan
Ang kalawakan
Hindi ko maunawaan
Ang Iyong dahilan
Kung bakit ako’y
Pinili Mo’t inalagaan
(REF)
Di ko kayang isipin
Hinding hindi ko kayang sukatin
Ang pag-ibig mo Hesus
Na ‘yong binigay sa akin
(KORO)
Salamat Salamat Oh Hesus sa
Pag-ibig Mo
Walang ibang nagmahal sa akin na
katulad Mo
Salamat Salamat Oh Hesus sa
Pag-ibig Mo
Ako’y magsasaya sa piling Mo
Kung may pagsubok man o kagipitan
Ako ay may lalapitan
Ikaw HESUS ang aking sandigan
Hindi mo ko pababayaan
(REF)
(KORO)
(BRIDGE)
Buhay ko na ang purihin Ka
Buhay ko na ang sa ‘Yoy sumamba
Wala ng ibang nanaisin pa kundi pasalamatan Ka