current location : Lyricf.com
/
Songs
/
Rewrite the Stars [Tagalog [dialects] translation]
Rewrite the Stars [Tagalog [dialects] translation]
turnover time:2024-07-07 10:31:28
Rewrite the Stars [Tagalog [dialects] translation]

[Verse 1: Phillip Carlyle]

Alam mong ika'y gusto ko

'Di naman lihim na aking tinatago

Alam kong gusto mo ako

Kaya 'wag mong sabihing nakagapos tayo

Sinasabi mong sa baraha'y wala ito

Ngunit hinihila ka ng tadhana papalayo

At 'di na maaabot ko

Ngunit narito ka sa aking puso

Kaya sino ang pipigil kung magpasya ako

Na ikaw and kapalaran ko?

[Chorus: Phillip Carlyle]

Pa'no kung ating sulatin muli ang mga tala?

Sabihin mong para sa akin ka

Walang anumang makapaghihiwalay pa

Ako'y sadyang hinahanap ka

Ito'y nasa ating dalawa

Walang makapagsasabi kung tayo'y sino ba

Kaya bakit 'di natin sulatin muli ang mga tala?

Baka ang mundo'y mapasaatin na

Ngayong gabi

[Verse 2: Anne Wheeler]

Inaakala mong madali ito

Inaakala mong ako'y 'di tatakbo pabalik sa 'yo

Ngunit may mga kabundukan dito

At hindi madaanang mga pinto

Alam kong pinagtatakhan mo

Dahil pwede tayo

Ikaw lang at ako

Sa gitna ng mga dingding na ito

Ngunit 'pag lalabas tayo

Magigising ka at makikitang wala nang pag-asa pa ito

[Chorus: Anne Wheeler]

Walang makasusulat muli sa mga tala?

Paano mo nasabing mapapasaakin ka?

Ang lahat ay pinaghihiwalay tayo

At hindi ako ang sadyang hinahanap mo

Hindi nasa iyo

Hindi rin ako

Kung lahat ay nagsasabi kung tayo'y ano ba

Paano ba susulating muli ang mga tala?

Sabihing ang mundo'y sa atin na

Ngayong gabi

[Verse 3: Phillip Carlyle and Anne Wheeler]

Gusto ko lang lumipad na kasama ka

Gusto ko lang mahulog na kasama ka

Kaya ibigay mo na ng buong-buo

[Anne Wheeler]

Parang imposible

[Phillip Carlyle]

Hindi imposible

[Anne Wheeler]

Imposible ba?

[Both]

Sabihin mong posible

[Chorus: Phillip Carlyle and Anne Wheeler]

Paano ba sulating muli ang mga tala?

Sabihing sa akin ka?

Wala nang makapaghihiwalay pa

Dahil ikaw ang ang sadyang hinahanap ko

Nasa iyo

At nasa akin

Walang makapagsasabi kung tayo'y sino ba

At bakit 'di natin sulatin muli ang mga tala?

Baguhin ang mundo nang mapasaatin na

[Outro: Anne Wheeler]

Alam mong ika'y gusto ko

'Di naman lihim na aking tinatago

Ngunit 'di ka mapapasaakin pa

Tayo'y makakawala at

Mga kamay ko'y nakagapos pa

Comments
Welcome to Lyricf comments! Please keep conversations courteous and on-topic. To fosterproductive and respectful conversations, you may see comments from our Community Managers.
Sign up to post
Sort by
Show More Comments
The Greatest Showman (OST)
  • country:United States
  • Languages:English, Polish
  • Genre:Soundtrack
  • Wiki:https://en.wikipedia.org/wiki/The_Greatest_Showman
The Greatest Showman (OST)
Latest update
Copyright 2023-2024 - www.lyricf.com All Rights Reserved