current location : Lyricf.com
/
Songs
/
Psalm 23 [Filipino/Tagalog translation]
Psalm 23 [Filipino/Tagalog translation]
turnover timeļ¼š2024-11-07 07:53:25
Psalm 23 [Filipino/Tagalog translation]

Si Jesus ang aking Pastol at tanging tagapagkaloob

Pinapahimlay Niya ako sa luntiang pastulan

at inaakay Niya sa tahimik na batisan

Pinapanumbalik Niya ang aking kalakasan

Kabutiha't pag-ibig Mo sa aki'y di magkukulang

siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay

at magpakailanma'y sa bahay ni Jesus mananahan

Si Jesus ang aking Pastol at tanging tagapagkaloob

Pinapahimlay Niya ako sa luntiang pastulan

at inaakay Niya sa tahimik na batisan

Pinapanumbalik Niya ang aking kalakasan

Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan,

wala akong katatakutan,

pagkat ika'y aking kaagapay.

Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang

(Tugtugin)

Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo,

na nakikita pa nitong mga kalaban ko;

sa aking ulo langis ay ibinubuhos,

sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos.

sa aking saro, Iyong pag-ibig ay lubus-lubos

Si Jesus ang aking Pastol at tanging tagapagkaloob

Pinapahimlay Niya ako sa luntiang pastulan

at inaakay Niya sa tahimik na batisan

Pinapanumbalik Niya ang aking kalakasan

Comments
Welcome to Lyricf comments! Please keep conversations courteous and on-topic. To fosterproductive and respectful conversations, you may see comments from our Community Managers.
Sign up to post
Sort by