current location : Lyricf.com
/
Songs
/
Perdere l'amore [Filipino/Tagalog translation]
Perdere l'amore [Filipino/Tagalog translation]
turnover timeļ¼š2024-10-01 03:41:50
Perdere l'amore [Filipino/Tagalog translation]

Ngayon, iwanan niyo ako

Nais kong mapag-isa

Dala ang kalumbayang

umabot sa kalangitan

Ako ay nagtataka

Ba't mo 'ko pinili?

Ako, na hanggang kahapon

Naniwalang isang hari

Nawala ka giliw

At sa tuwing gabi

Tuwing liliwanagan

ng buwan ang aking ulo

Ako'y nababaliw

sa durog na puso

Mula nang mawala ka

ay gusto ko nang sumuko

Gusto kong sumigaw

Itakwil ang langit

Batuhin ang mga pangarap

na hindi ko nakakamit

Isa-isa ko silang pababagsakin

Pakpak ng tadhana'y babaliin

Upang muli kang makapiling

Inaamin ko lahat

Ang aking mga kamalian

Binigay ko sa'yo lahat

Ang mga pagpipilian

Kaya, ang natitira

Sa ating kahapon

Ay ang isang lalaking

Mahal ka pa rin hanggang ngayon

Nawala ka giliw

At sa tuwing gabi

Halos di ko na kilala

sa salamin ang sarili

Wala namang nagbago

Ang aking sinasabi

Hanggang aking napagtanto

na wala na ang aking silbi

Gusto kong humiyaw

Sakalin ang langit

Iuntog sa pader

ng libong beses ang aking ulo

Humihikbi ako sa kanyang unan

Habang sinisisi ang kapalaran

Nung nawala ka sa'kin

Nawala ka giliw

Lintik na gabi

Na may mga bangungot

ng isang buhay na kathang-isip

Ano pa ba

ang aking aasahan?

Sa'king magulong kinabukasan?

Ano ang aasahan?

Batuhin ang mga pangarap

na hindi ko nakakamit

Isa-isa ko silang pababagsakin

Pakpak ng tadhana'y babaliin

Upang muli kang makapiling

Nawala ka giliw

Comments
Welcome to Lyricf comments! Please keep conversations courteous and on-topic. To fosterproductive and respectful conversations, you may see comments from our Community Managers.
Sign up to post
Sort by