Sa tore'y kinandado
At nakakulong
Sa bagong mundo'y inilayo
'Yon ang kanilang hatol
At higit pa ro'n
Walang masisisi kundi ako
Ngunit meron pang tagong lakas na 'yong angkin
Ngayon desisyon mo
Kung buhay na iyo
Ay susundan nang makamtan
At ang sarali'y palayain
Sino ka at ano ang nais mo'y pasya mo rin
Walang magdidikta kung sa'n ang tungo mo
Kung ang alam gamitin
Angkinin mundo
Puso ay buksan sa sarili
At palayain
Sa takot napilay
Dami mong mali
'Di pinili ang layunin mo
Ang iyong hangganan
Ba't 'di alamin
Tuklasin at sige sundan mo
'Wag nang papayag iba ang siyang magdidikta
Lakas at tapang mo
Ang gagabay sa 'yo
Pati buhok ilugay na
At ang sarili'y palayain
Sino ka, ano ang nais mo'y iyo na rin
Ikaw lang ang maaaring humadlang sa 'yo
Kung bukas tututukan
Pasyang lilipad
Kapalaran mo ay hanapin
Ika'y palayain