Nakakasawa ang mga pangako
Nakakapagod din ang maghintay
Ang mga pangakong laging napapako
Sa pagtitiwala ay pumapatay.
Nakakapagod din ang umasa
Lalo't ang bituka ay walang laman
Napaka ilap sa mahirap ang hustisya
Lalo't bansa ay hawak lang ng iilan
Nag people power 1, nag people power 2
Ang buhay natin ay di parin nagbabago
Nag people power 1, nag people power 2
Ngunit di parin tayo natutoto
Maghapo't magdamag sa pabrika
Kayod kalabaw sa bukirin
Ulani't arawin tayo sa kalsada
Maisulong lang ang adhikain
Hinarap na natin ang lahat ng hirap
Binalikat ng lahat ng pasanin
Ngunit ang bunga ng ating pagsisikap
Sinasarili lang ng mga sakim
Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit ng maluto ay iba ang kumain
Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit ng maluto ay iba ang kumain
Tayo ang pangharang sa tangke
Tayo ang pambala sa kanyon
Habang nag-aabang ang mga buwitre
Naghihintay ng tamang pagkakataon
Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit ng maluto ay iba ang kumain
Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit ng maluto ay iba ang kumain
Tayo ang pangharang sa tangke
Tayo ang pambala sa kanyon
Habang nag-aabang ang mga buwitre
Bantay salakay na mga lider ng nasyon
Kahit mag-Edsa 3, kahit mag-EDSA 4
Ang buhay natin di pa rin magbabago
Kahit mag People Power tayo ang talo
Hanggat di tayo natututo
(Hoy gumising na kayo!)