Nang ako'y bata pa, ako'y takot sa katandaan
Hindi ko maunawan ngunit pagmamahal aking kinatatakutan
Pagpili ay naramdaman ngunit ito'y wala sa 'king kapangyarihan
Pagligtas ay kailangan, ang pag-iisa'y kinabaliwan
Aking ina ay sinabihan, ang masama'y inasahan
Tinipon ang lahat ng katapangan
Sabi n'ya, "Mahal kita kahit ano pa man
Gusto lang ang 'yong kasiyahan at sino ka'y laging panghawakan"
Kanyang mga kamay ako'y hinagkan
Sabi n'ya, "Pagbabalat-kayo ay 'wag nang subukan
Dahil mahal kita kahit ano pa man"
Mahal n'ya ako kahit ano pa man
Bahagya ako'y tumanda, hiniling na oras ay mawala
Dumaraan sa kalsada, makulimlim kahit may araw pa
Sa mga kaibiga'y nagtiwala, at mundo ko'y gumuho na
Sana'y di na lang nagsalita dahil ngayon ako'y 'di nila kilala
Ako'y umuwi at nakita ang aking ina, nasusulat sa aking mukha
Tila ba ang puso ko'y salamin na mababasag na
Sabi n'ya, "Mahal kita kahit ano pa man
Gusto lang ang 'yong kasiyahan at sino ka'y laging panghawakan"
Kanyang mga kamay ako'y hinagkan
Sabi n'ya, "Pagbabalat-kayo ay 'wag nang subukan
Dahil mahal kita kahit ano pa man"
Mahal n'ya ako kahit ano pa man
Ngayon ay matanda at marunong na
Taas-noong naglalakad sa kalsada
Kailngang pagmamahal ay nakuha
Ngunit may isa pang pirasong nawawala
Tumingin sa 'kin ang aking ama
Sabi n'ya, "Mahal kita kahit ano pa man
Gusto lang ang 'yong kasiyahan at sino ka'y laging panghawakan"
Kanyang mga kamay ako'y hinagkan
Sabi n'ya, "Pagbabalat-kayo ay 'wag nang subukan
Dahil mahal kita kahit ano pa man"
Mahal n'ya ako kahit ano pa man
Mahal nila ako kahit ano pa man