sa aking matagal na nakakubling pagtulog
ikaw at ako, magkatabing nagpapahinga
isa ba lamang itong panaginip ng aking puso?
di ko alam bakit, ako'y umiiyak
saan nanggaling ang mga luha?
wala bang makakatuyo sa bukal na ito?
kung mahanap mo akong umiiyak sa dilim
isigaw mo ang pangalan ko, mula sa puso
awitan mo ako ng isang munting awit ng taglagas?
iyakan mo ako ng himig ng mga dumaang araw?
damitan ako ng mga bulaklak na puti
para di makit ng matang mortal
saan napunta ang mga alaala ko?
puntahan ko pa ba ang malayong burol?
Kaluluwa ko ay di titigil
hanggang matawag mo ang
pangalan ko, mula sa puso
sa aking matagal na nakakubling pagtulog
may humalik sa akin, bumulong ng salita ng pagibig
ito ba lamang isang pananabik ng aking puso?
isang sandali ng kapayapaan
saan nanggaling ang mga luha?
bakit ba kung wala akong alaala
Kaluluwa ko'y di titigil
Hanggang kung tawagin mo ako... ang pangalan ko
ang pangalan ko, tawagin mo, mula sa pusa ko