Nung una kitang makilala
Di man lang kita napuna
Di ka naman kasi ganoon kaganda
Diba?
Simpleng kabatak
Simpleng kabarkada
Lamang ang tingin ko sayo
Di ko talaga alam
Kung bakit ako nagkakaganito
Ako'y napaisip at biglang napatingin
Di ko malaman kung anong dapat gawin
Dahan-dahan nag-iba
Ang pagtingin ko sayo
Gumanda ka bigla
At ang mga kilos mo'y nakakapanibago
Napansin ko na lamang na
Nalalaglag ang aking puso
Bad trip talaga
Na-iinlab ako sayo
Tuwing kita'y nakikita ako ay napapangiti
Para bang gusto kong halikan
Ang iyong mga pisngi
Minamahal kita
Ba't di ka maniwala?
Anong kailangan kong gawin
Upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi
Tungkol sa pag-ibig ko sayo?
Maniwala ka sana
Minamahal kita
Nasira na yata ang ulo ko
Kaiisip ko sayo
Kahit saan tumingin
Ay mukha mo ang nakikita ko
Pero bakit para kang naiilang
Ako ay iyong iniiwasan?
Ako'y nahihirapan, uy!
Wala namang ganyanan
Pakiramdam ko ngayon
Ako ay nagmumukhang gago
Ngayon ako'y nagsisisi
Kung bakit ako nag "I love you"
Kasi di na tayo tulad ng dati
Ngayon sa akin ay diring-dire
Minamahal kita
Ba't di ka maniwala?
Anong kailangan kong gawin
Upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi
Tungkol sa pag-ibig ko sayo?
Maniwala ka sana
Minamahal kita
Minamahal kita
Ba't di ka maniwala?
Anong kailangan kong gawin
Upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi
Tungkol sa pag-ibig ko sayo?
Maniwala ka sana
Minamahal kita