Kaylamig ng gabi, ako'y nag-iisa,
Ang langit ay walang tanglaw.
Mundo ko'y tila gumuho sa saglit na pagka-lito
Di ko makita ang pag-asa ng bukas
Paano hahakbang sa tamang-landas?
Huwag suwayin, payo nila
Magtiwala, ipikit ang mga mata.
Limutin mo ang nais mo
Ngunit ngayon...
Malaya na ako.. upang gawin ang nais ko...
Makakaya ko 'to, makikilala ang sarili ko..
Kailanman di na kailangang
Itago sa mundo...
Kung ano talagang ninanais ko...
Hindi ba't minsan ay kaygulo ng dikta ng ibang tao?
Bakit kailangan kong mabuhay ng ayon sa gusto nyo?
Ngayon na nga ay nagising sa aking kaytagal na pagkakahimbing
Ipaglalaban ko ang kagustuhan ko...
Dahil ngayon....
Malaya na ako.. upang gawin ang nais ko...
Makakaya ko 'to, makikilala ang sarili ko..
Kailanman di na kailangang
Magtago sa mundo...
May munting takot na pilit namumuo...
Paano kung hindi handa sa aking pagtayo?
Makaka-lipad ba mga bagong pakpak?
Ayoko nang isipin pa, gusto ko nang lumipad!
Malaya na ako.. upang gawin ang nais ko...
Kakayanin ko 'to, kikilalanin ang sarili ko..
Kailanman di na kailangang magbalat-kayo...
Kaya ko 'to, makikita nyo.