Ako ay nangangamba
Pero di dahil sa lamig
Tila may napupuna
Pangarap na di kayang abutin
Ika'y ramdam ko
Parang kilalang kaibigan
Ako'y papunta na't
Tila sa tirahan ko
Ako'y laging nagtatago
Sikreto'y kinikimkim
Ikay'y nagtatago rin
Pero huwag ang sarili mo
Magpakita ka
Hiling ko'y masilayan
Magpakita ka
Kahit ngayon lang
Ikaw ba ang hinihintay ko
Buong buhay
Magpakita ka
Handang malaman ka
Ako'y di makuntento
Dahil hirap sa buhay ko
Narito dahil sa rason
Sa rason kung ba't ako nandirito
Ako ay laging naiiba
Simpleng bagay di magawa
Ngayon na ba, ikaw na ba
Malalaman ko na ba
Magpakita ka
Ako'y di natatakot
Ako'y narito't
Malayo ang narating
Ikaw ang sagot na hinintay ko
Buong buhay
Magpakita ka
Saki'y magpakilala
Ikay'y lumapit
Mag-antay di magawa
Buksan ang pinto
Isang saglit lang
Ikay'y lumapit
Mag-antay di magawa
Buksan ang pinto
Isang saglit lang
Nung ang hangin
Nakita sa tubig
Mayroong ilog
Puno ng ala-ala
Aking mahal lumapit ka
Ako'y nahanap na
Magpakita ka
Taglayin ang lakas mo
Maglibot ka
Sa bagong mundo
Ikaw ang tanging hinihintay mo
Buong buhay ko
Buong buhay mo
Magpakita ka