Tingnan mo ang sarili mo, sinta
Katabi ko
Sinag ng tala sa yong buhok
Parang panaginip ko lang
At tingnan mo ako sinta
Galaw ko'y parang isang umi-ibig
Sa isang lumang pelikula
At di ko alam paano ako nandoon
Pero ito'y bakas sa iyong mukha
Ito'y malinaw
Ikaw ang aking hinahanap
Ikaw lang ang aking nakikita
Ikaw ang lahat sa akin
At gagawin ko ang lahat para manatili ka magpakailanman
Ako'y simpleng lalaki lang
Pero parang magagawa ko ang lahat
Kapag nakatingin ako sa iyo sinta
Tingnan mo ang sarili mo, sinta
Katabi kong naglalakad
Sa liwanag ng maambong umaga
Naaaninag ko ang sarili ko sa iyong mga mata
At ngitian mo lang ako, sinta
Sa mga matang mapang-hayag
Na di masasabi ng mga labi
Nagsasabing pag-ibig mo'y nandito
At tayo'y magkatabi na sa ngayon
Sa lahat ng bagay
At kapag gumuho ang aking mundo'y
Iibigin pa rin kita
Ikaw ang lahat sa akin
At gagawin ko ang lahat para manatili ka magpakailanman
Ako'y simpleng lalaki lang
Pero parang magagawa ko ang lahat
Kapag nakatingin ako sa iyo sinta