current location : Lyricf.com
/
Songs
/
Leaves [Filipino/Tagalog translation]
Leaves [Filipino/Tagalog translation]
turnover timeļ¼š2024-11-02 11:25:19
Leaves [Filipino/Tagalog translation]

Tanda ko pa mga oras na

Sabi mong 'wag hawakan ang lampara

'Di inakala na ikaw na nga

'Di mapaliwanagan

Na inakala mo na ayos lang

Lahat ng sa 'ti'y may hangganan

Sa huli'y masasabi ba

Na ito'y mahalaga nang mabuo ang pasya

Uusbong muli, dahon sa kakahuyan

Manunumbalik ang kaayusan

Kakalma din ang alon, malakas man

Manunumbalik ang kaayusan

O ang pagmamahal ay tunay kung may kapatawaran

Subukan at pilitin man

Dilim ng gabi ay takasan

Lungkot sumasagi sa isipan

Pagtago ay subukan man

Bawat hinga at oras na laan

'Di ka maalis sa 'king isipan

At sa huli lahat ng ito ang syang bubuo

Kaya't kakapit hanggang

Sa uusbong muli, dahon sa kakahuyan

Manunumbalik ang kaayusan

Kakalma din ang alon, malakas man

Manunumbalik ang kaayusan

O ang pagmamahal ay tunay kung may kapatawaran

'Di inakala na ang araw ay darating

Pasya ko ba'y didito o lilisan din

Nagbibigay halaga ng laban sa huli

Ano't anuman ang mangyari itama ang pagkakamali

Uusbong muli, dahon sa kakahuyan

Manunumbalik ang kaayusan

Kakalma din ang alon, malakas man

Manunumbalik ang kaayusan

Sugat ng kahapo'y malulunasan

Manunumbalik ang kaayusan

Dala ng tunay na pagmamahalan

Manunumbalik ang kaayusan

Manunumbalik ang kaayusan

Manunumbalik ang kaayusan

Manunumbalik ang kaayusan

O ang pagmamahal ay tunay kung may

Kapatawaran

Kapatawaran

Kapatawaran

Comments
Welcome to Lyricf comments! Please keep conversations courteous and on-topic. To fosterproductive and respectful conversations, you may see comments from our Community Managers.
Sign up to post
Sort by