Kakasawa na, Kakasawa na (lagi) (4x)
[Gloc-9]
Ako si Juan Tamad
Ayaw kong mabilad
Kahit malapit ang ubas
Ayaw kong mag-inat
Ako si Juan Tamad
Tagalitang kaagad
Kahit marami pang prutas
ayaw kong magbuhat
Kakasawa na, Kakasawa na, lagi (8x)
[Al James]
(Uso pa ba?)
'To ay buhay ng isang (Uso pa ba?)
taong di nalilibang (Uso pa ba?)
sa lahat ng nangyayari (Uso pa ba?)
sinasabi ng ilan
[Gloc-9]
Ilang pahalang
Parang humigop ng sabaw na matabang
Napaso kasi mainit, pinilit, sumingit, humirit, humigit kumulang di sapat ang alam
Nakakatakam, ang bango ng halimuyak pero sa huli sadyang mabaho ang amoy
Sino ang pinagsisibak ng kahoy
Pero bat' ng lumao'y ikaw lang ang syang napaso ng apoy
Kahit na palagi mong tanungin
Malalim ba yan sige talunin
Putik lulusungin, malayo man ay lalanguyin
Bawal tumayo pero marami dapat abutin
Malaman ang katotohanan kailangan mong amuyin
Parang mga aso
Mga paa't kamay sa lupa kailanga'y nakayuko
Bawat segundo palaging nakikipag-buno
Para lang makabayad ka ng luha, pawis at dugo
Hindi ka makakampante,
Langgam laban sa higante
Mantika sa paa, pinatulay ka sa alambre
Sa hirap ng buhay tila wala ka ng masabi
Parang nung unang araw na makilala ko si Shanti
Tuloy pa rin ang laban
Kung huli na ang lahat
Baka pwede pang maagapan
Kung hindi ka makalakad
Kahit papano gumapang
Dahil ang takot ay may pagkakataon na tumapang kaso lang...
Pag malabo ang pangako
Tetano sa makalawang na pako
Pag napaso at malayo
Ayaw kong mag-inat
Ayaw kong mabilad
(2x)
Kakasawa na, kakasawa na, lagi (8x)