Si Tamatoa noon ay di makintab
Talangkang mapanglaw pa
Aba ngayo'y buhay koy napakasarap
dahil ang ganda ko na, baby
Sabi ng lola mo sundin ang puso mo
Ipakita kung sino ka talaga
Aba akoy may banat para sa kanya
Sinungaling siya
Ang kuminang ang nais
na parang kayamanan sa isang galyon
Singkintab ng sahig nito,
ang nais, singkislap ng kwintas
diyan sa iyong leeg
Teka lang...
Alam mo, isda ay tatanga tanga
sa kislap naaakit, nasasabit
Andyan na nga sila, sila
sa kinang ko lumalapit, pagkain
May kulang pa sa tiyan ko
at kasya ka dito
Aba, aba, aba,
Si Maui may problema sa kanyang anyo
Palibhasa semi-demi-mini-god
Ouch! Nakakaawa ka naman
Kuha mo? ang kawit
Di mo na kaya pang gamitin iyan
Tandang tanda ko pa ang iyong ginawa
nasa balat mo nakikita
At gaya mo gusto ko rin gumanda
Halata naman di ba?
Ito ang nais
tila diyamante diyan sa lilim ng bato
Gamit ko ito ang aking nais
Subukan mo ako at makikita mo
malakas ito
Maui man, bilangin natin ang kamay
dalawa lang yata sa iyo
sa akin ay sampu (talo ka)
Wala ka nang saysay
oras na upang sugatan
ang damdamin mo
Walang may gustong
tumanggap sa iyo
nais mo lang namang
mahalin ka ng tao
Sinisikap mo ngunit di sapat
ang tibay mo
Maui, ang bagay sa iyo'y sipain
Talukap koy napakakinis
Tingnan mo dahil ito na rin ang huli
C'est la vie, mon ami
Ito ang nais, magmakaawa kang di
kita nguyain, yun ang gawin
Ang kuminang din ang iyong nais
alam ko yun din ang iyong nais