Ating lungsod na pinagpala
Kidapawan aming mutya
Sa bawat hagupit ng pagsubok
Ikaw ay di nalulugmok
Natatangi ang yong kasaysayan
Pati ang ‘yong mamamayan
Taglay mo ang yaman ng kalikasan
Mahal naming Kidapawan
Sama-sama kaming nagpupugay
Maging buhay man ay iaalay
Sa ‘yo lungsod naming minamahal
Kidapawan, oh Kidapawan.
Ika'y sagisag ng pag-asa
Katutubo ang nagpasimula
Kristyano at Muslim ay nagkakaisa
Sa layuning ika’y mapaganda
Sama-sama kaming nagpupugay
Maging buhay man ay iaalay
Sa ‘yo lungsod naming minamahal
Kidapawan, oh Kidapawan.
Simbahan, gobyerno, kasama
Mga tao'y nagkakaisa
Kidapawan tunay kang pinagpala