I
Kapag sumilip ang buwan,
sa sulok ng inyong bintana,
hahaplusin ka ng liwanag,
sa gabing tulog ang ingay.
II
Ang naglalaro sa isip:
Ang tawag ng kamusmusan!
Sa kulay ng talang tahimik
maglalaro sa kanyang ilaw!
CHORUS:
Ayaw matulog ng buwan!
Nakayuko palagi sa lupa!
Kahit dilim ay nakabalot,
nakangiti sa kalawakan!
III
Kaibigan kong may galit
sa kapwa mo na magpatawad.
At sa mga maling akala,
ang walang malay ay malaya.
IV
Tulad ng layaw ng buwan,
inaaliw ang 'yong lumbay.
Sa lawak ng gabing bughaw,
liwanag nya'y kawangis ng
ngiting malaya!
(REPEAT I)
(REPEAT CHORUS)
CODA:
Ang buwan!