Sa isang kulungang bakal ay
May taong malungkot, umiiyak
Ang tanong n'ya sa sarili ay
Kailan magigisnan ang liwanag
Malayo ang iniisip at
Nakakuyom yaring mga palad
Bakit daw s'ya nagdurusa
Sa kasalanang 'di n'ya ginawa
Kahapon lamang ay kapiling
N'ya kanyang asawa at anak
Namumuhay nang tahimik sa
Isang munting tahanang may tuwa
Ang kaligayahan ay pinutol
Ng isang paratang sa kanya
S'ya daw ang may sala sa isang
Krimen na 'di naman n'ya ginawa
Wala na bang katarungan ang
Isang nilalang na katulad n'ya
Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa
Nang walang kasalanan
'Di ba't ang batas natin pantay-
Pantay, walang mahirap, mayaman
Bakit marami ang nagduru-
Sang mga walang kasalanan
Mga ilang araw na lang
Haharapin na n'ya ang bitayan
Paano n'ya isisigaw
Na s'ya'y sadyang walang kasalanan
Tanging ang Diyos lamang ang s'yang
Saksi at s'yang nakakaalam
Diyos na rin ang s'yang bahalang
Maningil kung sino'ng may kasalanan
Dumating na ang araw, hahara-
Pin na n'ya kanyang kamatayan
Sa isang upuang bakal na
Kay dami nang buhay na inutang
O, ang batas ng tao kung
Minsan ay 'di mo maintindihan
Ilan pang tulad n'ya ang
Magdurusa nang walang kasalanan