Naghihilik ka pa, mataas na ang araw
Bumangon ka’t ikaw ay gumalaw
Mga kasama mo’y, umalis nang matagal
Ngunit ikaw ay nariyan pa rin
Ba't di mo baguhin ang iyong buhay?
Daig mo pa si Juan sa katamaran mo
Banatin mo ang iyong mga buto
Kumilos ka at baguhin mo ang buhay mo
Kung pumorma ka, akala mo’y sino
Laman ng utak mo’y puro abo
Kung lumakad ka, ay para kang pagong
Ang buhay mo’y hindi sumusulong
Ba't di mo baguhin ang iyong buhay?
Daig mo pa si Juan sa katamaran mo
Banatin mo ang iyong mga buto
Kumilos ka at baguhin mo ang buhay mo
Kumilos ka at baguhin mo ang buhay mo
Kumilos ka at baguhin mo ang buhay mo
Oh ooh