Kung maagang mawala, ibalot sa sating tela
At ihimlay mo 'ko sa kamang puno ng oras
At saka ilubog sa ilog 'pag madaling araw
Ipaanod mo 'ko at ika'y umawit ng kantang romansa
Uh oh, uh oh
Gawin Mo po 'kong bahaghari
Iilawan ko ang aking ina
Nang malaman niyang ako'y ligtas kasama ka
Ang buhay ay 'di laging tulad ng inaasahan
Di pa tumatanda ngunit ililibing na ng kaniyang ina
Ang matalim na dulo ng maikling buhay
Sapat lamang naman ang oras na bigay
Kung maagang mawala, ibalot sa sating tela
At ihimlay mo 'ko sa kamang puno ng oras
At saka ilubog sa ilog 'pag madaling araw
Ipaanod mo 'ko at ika'y umawit ng kantang romansa
Ang matalim na dulo ng maikling buhay
Sapat lamang naman ang oras na bigay
Sa iyong kaharian, ako'y magsusuot ng puti
Ako'y kasing berde ng singsing sa aking daliri
Pagibig ng lalaki ay di ko pa naranasan
Ngunit ako ay natuwa nang ako'y 'yong hawakan
Merong isang binata
Nagsabi dati mamahalin niya 'ko
Ngunit di na 'yon matutupad
Ang matalim na dulo ng maikling buhay
Sapat lamang naman ang oras na bigay
Kaya magayos ka
At ako'y ganon rin
Kung anong di nagawa ay gagawin
Ang mga alaala
Sila'y aking ibebenta
Dahil nung ako'y nawala, sila'y mas binigyan ng halaga
At siguro'y maririnig mo kong kakanta
Nakakatuwang isiping
Pakikingan ka kung wala ka na
Kung maagang mawala, ibalot sa sating tela
At ihimlay mo 'ko sa kamang puno ng oras
At saka ilubog sa ilog 'pag madaling araw
Ipaanod mo 'ko at ika'y umawit ng kantang romansa
Uh oh (uh, oh)
Ang kalapati ay kumanta(uh, oh)
Humayo ng mapayapa
Tipunin ang 'yong luha, ipunin sa 'yong bulsa
Itago para sa oras na magagamit na, oh
Ang matalim na dulo ng maikling buhay
Sapat lamang naman ang oras na bigay
Kaya magayos ka
At ako'y ganon rin
Isinalin ni: Jam Lonzaga
(maaaring kantahin sa tono)