Sana'y ako na lang
ang magmahal sa iyo
pagmamahal na kailangan mo
sana'y masabi ko sa iyo
ako ay laging nandiyan
ngunit ako ay hindi yon
kailangan mo ang isang tapat na pagmamahal
nangangakong hindi ka niya iiwan
chorus:
o, masasabi kong ako nga ang iyong kailangan
masasaktan ka lang
paluluhain lang kita
di ako ang iyong kailangan
mahal kita, paalam
Sana'y balang araw
ay maunawaan mo
kailangan kong gawin ito
ayokong umalis
sa aking puso ay alam ko
ito ang nararapat gawin
makakakita ka pa ng higit pa sa akin
na mamahalin ka magpakailan man
chorus:
o, masasabi kong ako nga ang iyong kailangan
masasaktan ka lang
paluluhain lang kita
di ako ang iyong kailangan
mahal kita paalam
Coda:
iwanan ang isang tulad mo
ay mahirap gawin
lalo na kung siya ay mahal mo
ayoko sanang iwan ka
masakit mang isipin
di ako ang iyong kailangan
mahal kita paalam
tayo'y di para sa isa't isa
mahal kita paalam