Sana lang ay ako
Ang magmamahal sa 'yo
Pag-ibig na kailangan mo
Sana masabi ko
Na lagi lang naririto
Gano'n ay hindi ako
Kailangan mo'y taong ibibigay ang buong puso
Kailanma'y ipangako, 'di magagawa, mahal ko
Masasabing ako'ng kailangan mo
Ngunit 'di totoo
Alam ko na masasaktan
Alam kong iiyak ka lang
'Di ako ang 'yong kailangan
Mahal kita, paalam
Sana makaya mo
Na maunawaan ako, ito'y para lang sa 'yo
Iwan ka'y 'di gusto
Sa puso ko'y alam ko, pinakamabuting gawin 'to
Kailangan mo ay taong hindi katulad ko
Ibigay ang 'di kaya
Gaya ng pag-ibig na 'yong makikita
Masasabing ako'ng kailangan mo
Ngunit kasalanan 'to
Alam ko na masasaktan
Alam kong iiyak ka lang
'Di ako ang 'yong kailangan
Mahal kita, paalam
Ang pag-iwan sa minamahal
Kay hirap na magawa
Magmahal gaya ng aking pagmamahal
'Di ka gustong iwanan
Oh ako ay nasasaktan
'Di ako ang 'yong kailangan
Mahal kita, paalam
'Di na maaayos kailanman
Mahal kita, paalam