Hindi kita malilimutan,
hindi kita pababayaan.
Naka-ukit magpakailanman,
sa 'king palad
ang 'yong pangalan.
Malilimutan ba ng ina,
ang anak na galing sa kanya?
Sanggol sa kanyang sinapupunan,
paano n'ya matatalikdan?
Ngunit kahit na malimutan
ng ina ang anak
n'yang tangan,
Hindi kita malilimutan,
kailanma'y 'di pababayaan...
Hindi kita malilimutan,
kailanma'y 'di pababayaan...