(INTRO)
Ako'y nagpunta
sa isang club dito sa Maynila
At ako'y nakinig
ng musika ng banda at tinugtog
ang himig natin,
dapat lang sariling atin
Pagkatapos doo'y
banyagang awit na ang tinugtog
(REF)
Gumising na tayo
Hindi n'yo ba nakikita
Ang ibig kong sabihin
Gumising na tayo
Hindi ba tayo nahihiya
Nandito tayo sa atin
Gumising na tayo
Hindi n'yo ba nakikita
Ang ibig kong sabihin
(Interlude)
Kailangan natin
magagaling na musikerong sariling atin
Upang umunlad
ang ating musika, dapat ay awiting atin
Sariling atin,
awitin para sa atin
Palawakin natin, musikang Pilipino
Mga kaibigan ko't
mga kasama, 'di n'yo ba napapansin
Ang banyagang tugtog
maganda nga ngunit
hindi pusong pinoy at damdamin
'Pagkat bihira lang ang maintindihan,
bihira lang ang maunawaan
(REF)(2x)