Anna:
Bukas ang bintana at pinto
Kailan ba huling nangyari to?
Biruin mo? Walong libong plato!
Kung palasyo'y walang laman.
Para sa'n pa ang bulwagan?
Sa wakas, ngayon ito ay bubuksan!
Ako'y makikihalubilo
Sa ibang mga tao
Handang-handa ako sa pagbagong 'to
Dahil sa unang pagkakataon
Mayrong musika't liwanag
At sa unang pagkakataon
Sasayaw nang magdamag
Hindi mapakali ang damdamin
Ano ba 'tong nadarama?
Dahil sa unang pagkakataon
Di mag-iisa
Parating na silang lahat dito!
Makilala ko na kaya... Siya?
Ngayong gabi sa Rigodon
Suot na ang saya at barong
Mangigibabaw ang kagandahan
Ay! Bigla na lang makikita ko
Isang maginoong kay guwapo
Ang tsokalate'y di maiwasan
Magdamag na mag-uusap
At magtatawanan pa
Kay bago ng aking nadarama!
At sa unang pagkakataon,
Mayrong mahika't saya
At sa unang pagkakataon
Sana ako'y mapansin na
At kahit mababaw ang pangarap
Na mahanap ang sinta
Ito ang unang pagkakataong
Ako'y may pag-asa
Elsa:
Ilihim mo, 'wag ipaalam
Maging mabuting halimbawa ka
Dapat ika'y magkunwari
At wag na wag kang magkakamali
Elsa: Dumating na ang araw
Anna: Dumating na ang araw
Elsa: Di na mapigilan
Anna: Di mapipigilan
Elsa: Utos ko'y ang bakod ay buksan
Anna: Buksan!
Anna: At sa unang pagkakataon
Elsa: Ilihim mo, itago mo
Anna: Matutupad ang pangarap
Elsa: Maging mabuting halimbawa ka
Anna: Pag-asang makahanap ng
Elsa: Ilihim mo
Anna: Pag-ibig na ganap
Elsa: Ilihim mo, 'wag pakita
Anna:
At hindi na to mauulit
Kaya dapat ngayon na
Dahil sa unang pagkakataon
Ito'y unang pagkakataong
Wala nang hahadlang!