[Verse 1]
Hawak ko ang tadhana ko
Ako lang ang nagpapasiya
Di ko hangad ang may kapiling na iba
Maling-mali pala
Kahit ako'y nasasaktan
Sa kakaisip sa kaniya.
Nandito siya sa nanlulumong puso ko
Damang-dama ko siya
[Chorus 1]
Alam kong di siya lilisan
Kahit lumayo pa siya
Anumang taglay niyang katangian
Di mahalaga
Mag-isa sa aking tore
Pagtingin sa pintuan
Papasok ang aking mahal
Kasama siya sa kailanman
[Verse 2]
Pag-ibig di matitinag
Liwanag di mawawala
Hindi ko man siya maabot o matanaw
Kitang-kita ko siya
[Chorus 2]
Alam kong di siya lilisan
Kahit siya'y maglaho pa
Buhay ko'y nagbago at bumuti
Dahil sa kaniya
Mag-isa sa aking tore
Pagtingin sa pintuan
Papasok ang aking mahal
Maghintay man nang kay tagal
Ako pa ri'y magpapagal
Sa ngayon at kailanman