Ang mga munting bagay
Na iyong ibinigay
Ay lagi kong hawak
Sa aking mga kamay
Sa pamamagitan nila
Ikaw ay nabubuhay
Wala nang mas mahalaga
Sa alaalang taglay
Ginuguhit ng ulap
Ang maamo mong mukha
Sumasabay sa hangin
Ang iyong mga tawa
Ang pumapatak na ulan
Parang agos ng luha
Luha ng pagmamahal
Na kumakatok sa bintana
Ang naiwang alaala
Ay lagi kong nakikita
Sa lahat ng bagay
Na aking ginagawa
Damdaming nakabitin
Na naghihintay pa rin
Laging nakaabang
Sa iyong pagdating
Kung nasaan ka man
Ay nais kong ipaalam
Na ang pagmahal sa iyo
Ay akin nang natutunan
Ang iyong kaligtasan
Ay lagi kong panambitan
At ang iyong pagbalik
Ay lagi kong inaasam