Sa buhay ko'y labis,
Ang hirap at pasakit
Ng pusong umiibig
mandin ay walang langit.
At nang lumigaya,
hinango mo sa dusa.
Tanging Ikaw Sinta
Ang akingpagasa.
Dahil sa iyo,
nais kong mabuhay.
Dahil Sa iyo,
hanggang mamatay.
Dapat mong tantuin,
wala nang ibang giliw.
Puso ko'y tanungin,
ikaw at ikaw rin.
Dahil sa iyo,
ako'y lumigaya.
Pagmamahal ay alayan ka.
Kung tunay man ako
Ay alipinin mo,
ang lahat sa buhay ko'y
dahil sa iyo.