dito kung saan nagliliwanag ang dagat
at humihiyaw ang hangin
sa may batalan kung saan mo tanaw
katabi ng Look ng Sorrento
yakap ng lalaki ang isang dalaga
at pagkatapos lumuha
ay hinawing maayos ang tinig
upang muli ay umawit
pinakamamahal kita
kung alam mo lang sobra talaga
ito'y isa nang tanikala
tila apoy na nananalantay
dumadaloy sa aking katawan
nakita niya ang liwanag sa laot
sa isip niya bumalot ang mga gabi niya sa Amerika
pero yun naman pala
lamparang dala ng mga namamalakaya
maputi sa may likuran ng bangka
naramdaman niya ang kirot sa musika
nang siya'y tumindig sa may piano
at nang nakita niya ang buwan
na sumisilip mula sa alapaap
parang naging matamis na rin ang mamatay
tinitigan niya ang dalaga sa kanyang mga mata
dalawang luntiang mata tulad ng dagat
at bigla na lang siyang napaluha
parang nalulunod ang pakiramdam niya
pinakamamahal kita
kung alam mo lang sobra talaga
ito'y isa nang tanikala
tila apoy na nananalantay
dumadaloy sa aking katawan
ang kapangyarihan ng mga talatang kinanta
kung saan huwad ang lahat ng drama
ngunit sa kaunting panlagay sa mukha
at sa sining ng pag-arte
kakayaning mong maging ibang tao
ngunit ang dalawang matang nakatitig sa iyo
masyadong malapit at totoong-totoo
nalimutan mo na tuloy ang mga talata
lahat lumiit at nawalan ng halaga
at ang mga gabing nilagi sa Amerika
pagdaka ang buhay ay iyong nakita
diyan sa maputi na likuran ng bangka
at diyan na rin natatapos ang buhay
at di niya masyadong alintana
bagkus naging masaya pa siya
at itinuloy ang kanyang pagkanta
pinakamamahal kita
kung alam mo lang sobra talaga
ito'y isa nang tanikala
tila apoy na nananalantay
dumadaloy sa aking katawan