Mmmmh
Whoaaa
Kahit na mga tao'y mangutya
Ibuwal ako, ako ay tatayo
Bawat pagsubok ay aking mababata.
Mundo man sa akin ay sumalansang
O manakot man, 'di ko aatrasan.
'Di ako papayag na ako'y matibag...
Dahil may liwanag na nanggaling sa akin
Ito ay 'di nila makayang pawiin.
Ohhh
Huwag manlumo sa pang-aapi sa iyo
'Di man mapigil, ayaw mang tumigil
Na pagtawanan ka, pabayaan mo na.
At natutuhan kong magpakahinahon
'Di nila ako basta masisiil.
Buhay kong kay dilim ay magniningning din...
Dahil may liwanag na nanggaling sa akin.
Ito ay 'di nila makayang pawiin.
Oh, oh
Ang pag-ibig na wagas ay laging sumasa'kin
Ang Panginoon ay laging nasa landas ko.
Oh oh
Kahit na mga tao'y mangutya.
Kahit madapa, 'di ako luluha
At babangon agad, tuloy sa paglakad.
Mundo man ay kay hirap lakbayin sa ngayon
Anumang hamon, paninindigan ko
Na magpakatatag, hindi matitinag...
Dahil may liwanag na nanggaling sa akin
Ito ay 'di nila makayang pawiin
Sa 'kin....