Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali
Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi, at may bingi
Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo, sayo'y pinagkaitan
'Wag kang mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan
'Di nalalayo sayo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay ng tulad mo
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin, wala sayong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa lipunan
'Di nalalayo sayo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay ng tulad mo
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ano sayo ang musika, sayo ba'y mahalaga?
Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo; walang daing, walang gulo
'Di nalalayo sayo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay ng tulad mo
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal