(Intro)
Sagana na sanat
lubos ang ligaya
sa bahay na ito
ngunit parang kulang.
May bangang puno ng tubig,
may bigas na isasaing.
Sa paminggalan ay may ulam,
wala na halos suliranin
Itong bahay na kahit pawid
sagana sa makakain
Nag-iisa sa may bukid,
ligid ng sariwang hangin.
Bahay na gawa sa pawid,
nasa lilim ng kawayan
Luntian ang buong paligid
sa gulay at mga halaman
Itong bahay na kahit pawid,
palaging kaakit-akit
Paligid ay kaibig-ibig,
sa lupa ito ay langit
Sagana na sanat
lubos ang ligaya
sa bahay na ito
ngunit mayrong kulang.
Kulang ng isang tulad mo
ang munting bahay na ito
upang maging isang palasyo.
Kulang ng isang tulad mo
ang munting bahay na ito
upang maging isang palasyo.
Kulang ng isang tulad mo
ang munting bahay na ito
upang maging isang palasyo