Sa pook na 'to dito makikita
Bulaklak sa parang na nakahiga
Itinanim ng hangin
Dinilig siya ng ulan
Pinalago nang tuluyan nitong kalikasan
Mga bulaklak at mga halaman
Nakipaglaro sa hangin at ulan
Nanakikipag-usap sa araw at buwan
Laging nakatawa sa kalangitan
Ako'y nakaupo
Dito sa tuktok
Minamasdang mabuti
Ang lahat ng sulok
Hawak ko sa kamay
Ang isang bulaklak
Magagawa ba ng tao
Itong aking hawak
Ang tanda ng kagandahan
Bukambibig na aking minasmadan
Kung sino man ang may magagawa
Ako'y tagasubaybay ng kanyang kakayahan