current location : Lyricf.com
/
Songs
/
Ang Totoong Ako [Let it go] lyrics
Ang Totoong Ako [Let it go] lyrics
turnover timeļ¼š2024-10-05 20:19:18
Ang Totoong Ako [Let it go] lyrics

Totoong sarili'y tinago sa lahat

Hindi dapat magkamali

di ko naman ginusto

ang ganitong magpanggap

ang mga kilos at galaw ko ay bilang

ngunit di na kaya, akoy napapagod na

Wag na kayong mangealam,

dahil di ko na kayo pakikinggan

ang pagkontrol, di na tama

di na tama

Ayoko na, tama na

Sa inyo'y di na makikinig pa

Tama na, itigil na

Kaya ko namang mag isa

walang pake

Sa sasabihin nila

desisyon ko ito,

ang mahalaga ako'y masaya

ngayon kayo'y malayo

buhay koy magbabago

ang takot na kumokontrol sakin

sa wakas wala na rin

ngayon masusubukan ko

ang tunay na aking kakayahan

tama o mali, walang magdidikta

sakin

Ayoko na, tama na

sa sarili makikinig na

Tama na, itigil na

akoy di na luluha

walang pake

Sa sasabihin nila

desisyon ko ito,

ilalabas ko na ang tunay na ako

ang nakatagong pagkatao ko'y ilalabas na

sakin ay wala ng makakapigil pa

di na babalik pa

sa aking nakaraan

Ayoko na, tama na

akoy magpapakatotoo na

Tama na, itigil na

pagpapangap ay wala na

walang pake

Sa sasabihin nila

desisyon ko ito,

ang mahalaga ako'y masaya

Comments
Welcome to Lyricf comments! Please keep conversations courteous and on-topic. To fosterproductive and respectful conversations, you may see comments from our Community Managers.
Sign up to post
Sort by