Sa isang pulo sa katimugan sa isang maharlikang tahanan
May isang binatang pinaparusahan, tanging hangad kapayapaan
Sinaway niya ang kanyang amang Sultan pagka't ang nais niya'y katahimikan
Katahimikan sa kanyang bayang sinilangan
Anak ng Sultan ngayo'y pinaparusahan pagka't duwag daw ng angkan
Higit duwag ba ang tawag sa mga taong ang hangad ay kalayaan
Sigaw ng puso niya'y kapayapaan sa kanyang bayang sinilangan
Magtiis ka muna kaibigan
May ilaw sa kabila ng kadiliman
Dagat man daw na kay lalim may hangganan
Umasa ka't maririnig ang sigaw mong kapayapaan
Ako'y nagtataka kung bakit ang magkapatid ay dapat pang maglaban
Ako'y nagtataka kung bakit may taong kapwa tao'y pinapahirapan
Kailan pa matatapos ang paghihirap ng aking kalooban
Magtiis ka muna kaibigan
(At ako'y na buhay dito sa mundo ay di ko maunawaan)
Ang buhay ay di mo maunawaan.
(Kailan pa kaya makikita ang hinahanap kung kapayapaan.)
Ang lahat ng bagay ay nagdadaan lamang
(Kailan pa masasagot ang lahat ng aking mga katanungan)
Lahat ng kasagutan ay nasa iyong pinanggalingan.
Magtiis ka muna kaibigan
May ilaw sa kabila ng kadiliman
Dagat man daw na kay lalim may hangganan
Umasa ka't maririnig ang sigaw mong kapayapaan
Magtiis ka muna kaibigan
May ilaw sa kabila ng kadiliman
Dagat man daw na kay lalim may hangganan
Umasa ka't maririnig ang sigaw mong kapayapaan