Ang tanawin ay hindi nagbabago sa makulimlim na hapon
Ako'y nakahiga sa kalaliman ng tina sa ilalim ng tulay
Ako'y nakarinig ng palakpak sa aking walang-kabuluhang pahina ng aking buhay
Umaawit tungkol sa kahungkagang aking nadarama ngayon, gaya nang dati.
Ang mga bagay-bagay ay 'di magbabago,
Sa aking kuwaderno, ako'y sumulat ng kuwento na kung saan ikaw ang bida
Aking suplay ng gasul at tubig ay pinutol, at ang lipunan at ang mga balita ay problema na nang iba
Tingnan mo, ang buhay ko'y parang tinta.
Ang aking pangarap noon ay unti-unting nalalapit sa katapusan habang ako'y tumatanda.
At ako'y pinagmasdan na lamang ang mga ulap,
Gaya ng dati, umaagos sa aking paningin
Sa kalayuan ng gabing kalangitan, ang mga bulaklak ay tila bang lumalangoy,
Karaming bulaklak na mahahalintulad sa tagsibol
Parang bigla ka lang nawala sa paningin ko.
Ako'y lumingon pababa para 'di matisod.
Ang buhay ay walang kahalagahan ngunit puno ng kompromiso
Hindi ako naniniwala sa mga patungkol sa pag-ibig, o tadhana, mga kundiman, o buhay.
Sa huli, kapag hindi mabenta, ito'y walang halaga
Sinadya kong itinapon ang aking mga nais mahangad, at ngayon. ako'y nakatunganga dito hanggang sa petsa ng katapusan
Sa likod ng aking talukap, nakita, nakita ko,
Ang harayang at malabong tanaw ko sa'yo
Sa aking kwaderno, mga bulaklak ay sumasayaw sa sulok ng gabi
Isa pa sa aking mga mata.
Ang kompromiso ay patuloy na dumadaloy sa agos ng buhay,
Kay bilis kong matutuhan ito,
Elma, ikaw na nga,
Ikaw ay nag-isa sa aking musika.
May walonapu'ng titik pa ang nalalabi sa kantang ito.
Siguro dahil ang halaga ng buhay ay sa paraan ng pagtatapos nito.
Sa aking isip, inilalarawan na lang kita
At ang aking paningin ay lumalabo sa kalaliman ng bughaw
Sa kalayuan ng gabing kalangitan, ang mga bulaklak ay tila bang lumalangoy
Ang kalaliman ng bughaw ay bumabalot sa aking mga mata.
Ito, Ito lamang...
Sa kalayuan ng gabing kalangitan, ikaw ay lumalamig,
Na para bang lumalangoy ka sa kalangitan ng gabi.