STANZA 1
Iniisip mo pa rin ba
ang pagod at sakit, puno pa ng pangamba?
Naghihintay na rin ng makakapitan
Ngayo'y wag maduhagi ako ay nariyan.
Aking irog,
STANZA 2
Di ka na mababalikan
Ng araw na ika'y pinahihirapan
Ang kagandahan mo'y di pa rin kumupas
Sa bawat oras pang pilit na lumipas
Ngunit bakit-
Bridge
Tila puso mo'y sawi na patuloy pang inaapi
Bawat salita nila'y hinuhugos nang makasakit
Dininig ng langit ang iyong panalangin
Pilit kong binabanggit sayo na-
CHORUS
Di na maglalaho pa ang mga kislap sa'yong mata
Ako'y nagagalak na makita kang ligtas mula sa kadiliman.
Ang iyong ngiti ay parang bituin na nagniningning sa kalangitan
Maaari nga bang makasama rin kita sa aking mga pangarap?
STANZA 3
Nagdaan ang araw, tayo ay hindi na matitinag;
Pilit na lumaban.
Ang dulo ng mundo'y puno ng kasinungalingan at pangako na
di man lang napagbigyan.
At bakit nga ba-
STANZA 4
Tila nagbago ka na?
Hindi na gaya dating puno ng saya
"Nangangamba ka bang malinlang ka niya?"
Ang awit ng dilim habang tumatawa
Bridge 2
Tila tumalima ng mabilis ang pangyayari
Ang kanyang pagtingin sa akin ay di na tulad dati
May nabanggit ba ako na sayo'y nakasakit?
"Patawad sa'king sasabihin na katotohanan"
CHORUS 2
"Tila nagbabago na ang pagluhog ng tadhana.
Ang tanging hinangad sa iyo'y walang iba kung hindi kapahamakan
Ang aking ngiti ay napakatamis ngunit dito'y tatapusin ko na
Ang aking pagpapanggap; paalam na sa iyo, 'di na kita kailangan!"
~Instrumental~
Bakit nabubuhay pa ang isang katulad kong hangal?
Isang kahamakan ba ang paghangad man lang ng isang tiyak na bukas?
Kung naririnig ang tanging hinaing ko sa langit sana'y pagbigyan
Paano na nga ba hahanapin ang wakas na walang patutunguhan?
Ahh-
Bakit naglalaho na ang mga kislap sa'yong mata?
Balot ng pangamba ang aking mga mata at ako'y nababahala
Sa iyong ngiti na kalayaan din ang minimithi; lumisan na ba?
Ang tangi kong pag-asang talikuran mo na lang ang nais ng kasamaan?
"Ang aking-
Hiling ay wasakin ang ngiti na dumadampi sa'yong mukha.
Hindi na masaya kung patas pa rin lumaban sayo ang kadiliman.
'Di ako sabik sa tangi mong sambit na "makakamit ang kabutihan"
Paalam kaibigan, sa ang iyong paglalakbay na walang pinatunguhan."