Minsan ako'y pitong taong gulang, sabi ni nanay
Makipagkaibigan ka kundi ika'y malulungkot
Minsan ako'y pitong taong gulang
Akala namin kami'y mas malaki pero mas malaki pa pala ang mundo
Tinutulak bawat isa sa dulo ng hanggan, natuto kaming mas mabilis
Pagdating ng labing-isa'y humihithit ng damo at umiinom ng maiinit na alak
Di kami mayaman at hindi magbabago ang aming kita
Minsan ako'y pitong taong gulang, sabi ni itay
Kumuha ka ng asawa kundi ika'y malulungkot
Minsan ako'y pitong taong gulang
Lagi akong nanaginip tulad ng aking ama noon
Kaya nagsulat ako ng mga kanta. Nagsulat ako ng mga kuwento
Ang karangalan ay nakayayamot sa akin
Dahil ang mga mahal ko lang ang tunay na makakakilala sa akin
Minsan ako'y bente anyos, nasabi ang aking kuwento
Sa harap ng araw sa umaga, noong malungkot ang buhay
Minsan ako'y bente anyos
Kita ko lang ang layunin ko, di naniniwala sa kabiguan
Dahil alam ko'ng mga munting tinig lang ay nagiging malaki
Kasama ko'ng barkada ko'ng kampi sa akin
At kung di tayo magkita bago ako umalis, sana'y magkita na lang ulit tayo
Minsan ako'y bente anyos, nasabi ang aking kuwento
Sinusulat ko lahat na nangyayari sa akin
Minsan ako'y bente anyos, nasabi ang aking kuwento
Susunod kami'y trenta anyos, benta na lahat ang aming kanta
Nalibot na ang buong mundo pero gumagala pa rin
Sa susunod kami'y trenta anyos
Natututo pa rin tungkol sa buhay
Binigyan ako ng mga anak ng aking asawa
Para maikanta ko lahat ng mga himig ko sa kanila
At makuwentohan ko sila
Barkada'y andyan pa rin
Iba'y naghahanap pa rin ng kasikatan
At mga iba'y kailangang maiwan
Kapatid, patawad pa rin
Sa susunod ako'y sais-senta anyos, ama ko'y umabot ng sais-sentay uno
Alalahanin ang buhay at buhay mo'y gaganda
May napasaya ako noong sumulat ako ng liham
Sana mga anak ko'y puntahan ako kahit isa o dalawang beses sa isang buwan
Sa susunod ako'y sais-senta anyos, iisipin ko bang malamig ang mundong ito
O maraming bata kaya ang papaligid sa akin
Sa susunod ako'y sais-senta anyos
Sa susunod ako'y sais-senta anyos, iisipin ko bang malamig ang mundong ito
O maraming bata kaya ang papaligid sa akin
Sa susunod ako'y sais-senta anyos
Minsan ako'y pitong taong gulang