[Noel]
Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
[Gloc-9]
Si Mang Berto na sumakay sa may kanto
at'eto na ang simula ng mga kwento
May kaisa-isang anak na babae. Ngaalan ay Luisa isang estudyante
Ang pag-aaral iginagapang upang kahirapan ay matakasan
Isang gabi ng Marso, bandang alas-otso
Maagang umuwi ng bahay si Mang Berto
May dalang supot ng *pansit at *mamon
maligaya kahit sa bihirang pagkakataon
Bukas ay magtatapos na sa kursong kinuha
ang kanyang pinakamamahal na si Luisa
Dapat sana'y meron na silang patutunguhan
ngunit sadya bang may sumpa itong ating lipunan?
Dahil natagpuang patay sa ilalim ng tulay
pangarap ni Luisa inanod lang na kasabay
[Noel]
Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
[Gloc-9]
Pagdaan sa may Quezon Avenue, sumakay naman si ate Marilou
Bente kwatro anyos, walang natapos, ang anak ay nasa ICU
Pag patak ng alas-onse, naka-kolorete
Siya'y nasa tabi at pumapara ng kotse
Kahit dos bente, kanyang papatulan pambili ng gamot
Para malunasan, kahit isang araw lang buhay ng kanyang anak ay madugtungan
Bukas ng gabi naman may ilang buwan na ring kanyang ginagawa Walang matagpuan, walang syang magawa
Bakas sa mukha lahat ng pait ngunit sanggol nya'y walang kapalit Kahit alam nyang siya'y nahawa ng sakit
Para sa kanyang anak, gagawin ng papikit
[Noel]
Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
[Gloc-9]
May isang batang nakasabit sa istribo
Anim na taon ang pangalan ay Benito
Maghapon magdamag syang nagtratrabaho
punas ng sapatos at bote't dyaryo
para may makain ang tatlong kapatid
Lima, apat, dalawang taon at isang batang paslit pa lamang ay nakaatang sa kanyang balikat
Responsibilidad iniwan ng ama'y nalipat ng ipinasok sa kulungan ang ina sila'y iniwan
Sinubukan nyang pigilan ngunit siya'y pinagtulakan
Hanggang sa nagkasakit ang bunsong kapatid at sa isang kariton ang hininga'y napatid
Ngayon ay di nabatid kung ano ang syang hatid ang bukas para kay Benito
na tila parang manhid na sa hapdi ng dulo't ng mga pangyayari Sumisinghot ng rugby, bumaba sa may malate
[Noel]
Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
Kahit na ano mang hirap ang sa ati'y dumating
Tumawag lang kay mamang driver tayo'y makakarating
Kahit na ano mang hirap ang sa ati'y dumating
Tumawag lang kay mamang driver tayo'y makakarating
Mama' para'
Mama' para'
Mama' para'
Mama' para'
Mama' para'
Tayo'y makakarating
Mama' para'
Mama' para'
Mama' para'
Mama' para'
Mama' para'
Tayo'y makakarating