Iisipin ng iba na ako'y abang-aba
dahil sa kasuotan kong ito
Ang pantalon ko'y may butas,
ang laylayan ay tastas
may tagpi ang kupas na polo ko.
At kung ito'y sanhi upang kasuklaman,
ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan
'pagkat ako'y tao na may buto't laman
tulad nila sa daigdig ay may karapatan
Sasabihin ng iba na ako'y isang mangmang
dahil ang naabot ko'y mababa lang
Iisa ang diploma, marka'y pasang awa pa,
nakamit sa isang mababang paaralan
At kung ito'y sanhi upang kasuklaman,
ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan
'pagkat ako'y tao na may buto't laman
tulad nila sa daigdig ay may karapatan
(INTERLUDE)
May dugo at may laman, may puso at isipan,
ako'y tao na mayrong pakiramdam
Kahit na ina-aba at ituring pang mangmang,
ako'y tao na walang pakialam
At kung ito'y sanhi upang kasuklaman,
ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan
'pagkat ako'y taong husto ang isipan
tulad nila sa daigdïg ay may karapatan