Noong panahong siya ay hari
Masigla ang kanyang pagbati
Mahigpit ang hawak ng mga daliri
At ang lakad nama'y matuwid
Mahusay ang kanyang talumpati
Makisig kung siya ay magdamit
Malalim ang kanyang pag-iisip
At lahat ay sa kanya nakatitig
Ngunit ngayong siya'y pagod na
Mahina na rin ang katawan
Pinagmamasdan na lamang sa bintana
Ang unti-unting pagdaloy ng ulan
At ang unang tanong sa umaga
Kung ano ang kanyang nagawa
Sa paglipas ng siyamnapung taon
Nang siya'y malakas at bata pa
(REF:)
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na
Sa piling ng mga alaala
Lagi na lamang nag-iisa
Kahit sulyap, walang maaasahan
Sa anak na 'di man siya mapagbigyan
At ang unang tanong sa umaga
Kung mayro'n pa siyang magigisnan
Na liwanag sa nalalabing buhay
Ngayon siya'y matanda at laos na
(REF:)
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na
Sa dilim ng kanyang pag-aasam
Maghapon na lang nakabantay
Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga
Nang hindi malimot niyang nakaraan
At ang diwa ng kahapon
'Di na matagpuan
At ang sinag ng umaga
Dinaanan ng ulan
At ang hirap ng nasa puso
'Di na mapapantayan
Kung maari lang, maari lang
Pawiin ang dusa
(REF:)
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na